6
kulong-arrested
By

Tulak na mag-live in partner, timbog sa buy bust sa Pasig

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng mag-live in partner matapos masakote sa pagtatago ng mga iligal na droga sa ikinasang search warrant operations, kahapon ng gabi sa Barangay San Joaquin, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director General Bernabe Balba, nakilala ang mga suspek na sina Elden Piamonte y Tolentino, 38-anyos at ang kanyang live in partner na si Adora Santos y Serafica, 39-anyos, kapwa residente ng 54 San Bernardo St., Barangay San Joaquin, Pasig City.

Ayon sa report, nagsagawa ng search operation ang Barangay San Joaquin kasama ang mga tauhan ng EPD Drug Enforcement Unit, Special Operations Unit at PCP 2 sa pangunguna ni PSupt. Mangaldan, hepe ng DSOU, bandang alas-onse ng gabi sa bahay ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 36 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, dalawang improvised tooter at aluminum foil.

Nabatid na si Piamonte ay isa sa Amin Buratong Drug Pusher na kilalang nagbebenta ng iligal na droga sa Pasig shabu tiangge at tinaguriang High Value Target (HVT) ng pulisya at kasama sa listahan ng Pasig City Police Stations Drug watch list bilang street level pusher.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?