Muntinlupa
By

Tulak, itinumba ng mga pulis sa loob ng sariling bahay

Sharing is caring!

Patay ang isang tulak ng droga sa buy-bust operation na nauwi sa engkuwentro sa bahay nito sa Meycauayan City, Bulacan Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Meycauyan City Police ang napatay na suspek sa alyas na Dabog.

Base sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis sa bahay ng suspek sa Barangay Bayugo.

Gayunman, matapos na magkabayaran, nakatunog ang suspek kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis na poseur buyer.

Hindi tinamaan ang pulis na gumanti ng putok ikinasawi ng suspek .

Narekober mula sa pinangyarihan ng operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000, P500 buy-bust money at ang kalibre .22 na baril na pag-aari ng nasawing suspek

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?