145

By

Tulak at parak nagduwelo, pulis ang nanalo

Sharing is caring!

Todas ang isa umanong drug pusher nang manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., ang napatay na suspek na si Wilford Garcia, na may mga alyases na Ninoy/Joseph Garcia, 30-anyos.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-11:20 ng gabi nang mapatay si Garcia, sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Novaliches Police Station 4 (PS-4) sa harap ng No. 9 Evangelista St., Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Nakatanggap ng tip ang pulisya hinggil sa iligal na aktibidad ng suspek, kaya’t nagkasa ng buy-bust operation laban dito.

Pero nakahalata ang suspek na pulis ang ka-transaksiyon kaya’t bumunot ng baril at pinaputukan ang kaharap na awtoridad subalit alerto namang agad na nakaiwas ito.

Nang muling magpapapautok ang suspek ay inunahan na ito ng mga kasamahang pulis ng nagpanggap na buyer at agad na duguang bumulagta ang nasabing tulak ng shabu.

Nasamsam mula sa napatay na suspek ang isang kalibre .38 revolver na Snub Nose na walang serial number na may tatlong bala, walong pakete ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?