192

Sep 19, 2019 @ 22:27
By

Tuko agaw-eksena sa talumpati ni Duterte

Agaw-eksena sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Capiz ang isang tuko.

Habang nasa kalagitnaan ng kanyang talumpati ang Pangulo ay biglang humuni ang tuko kaya nagtawanan ang mga tao.

Idinaan na lamang ng Presidente sa biro ang pagkagambala ng kanyang talumpati at sinabing: “Linti ang mga taga-Bacolod, nag-aalaga ng tuko dito!”

Nasa kainitan ng kanyang pagsasalita hinggil sa iligal na droga ang Pangulo nang biglang humuni ang ligaw na tuko.

Inisa-isa ng Presidente ang mga insidente ng karumal-dumal na pagpatay na kagagawan ng mga lulong sa iligal na droga kaya muli itong nagbabala na hindi niya papayagang masira ang bayan.

“Pag sinira mo ang bayan ko, talagang papatayin kita. Wala akong human rights, human rights. Pag hindi kayo huminto sa panahon ko, sa termino ko, mamamatay kayo!” babala ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?