sandiganbayan

Tuguegarao mayor, inabsuwelto ng Sandigan sa graft

Sharing is caring!

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan 1st Division si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa kasong katiwalian kaugnay sa pag-isyu nito ng permit sa isang pribadong kumpanya para makapag-operate ng parking at transport terminal noong 2013.

Inakusahan si Soriano ng Ombudsman na pagbibigay ng pabor sa One Way Parking Terminal, Incorporated (OWPTI).

Nagpalabas ang alkalde ng provisional permit sa OWPTI kahit wala itong awtorisasyon mula sa city council.

Paglabag umano ito sa Local Government Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?