63
Abante-TnT--Tugade-sa-mga-jeepney-drivers--Makikitid-ang-utak-ninyo
Oct 16, 2017 @ 15:58

Tugade sa mga jeepney drivers: Makikitid ang utak ninyo!

Rumekta kay Transportation Secretary Arthur Tugade ang ilan sa mga naapektuhan ng ikinasang tigil-pasada kahapon at sinegundahan nito ang suhestiyon na sampahan ng kasong economic sabotage ang nag-protestang jeepney drivers.

Sinabi pa ni Tugade na madamot at makikitid ang utak ng mga nag-protestang jeepney drivers sa usapin ng modernisasyon ng public utility vehicles.

“They are selfish and small-minded…we want the Filipino public to be safe and have better transport system. Change is hard but must be done,” ang sagot ni Tugade sa text message ni Vivian Lopez, ng Philippine Stock Exchange (PSE).

Una siyang pinadalhan ng mensahe ni Lopez si Tugade ng, “ Piston should be charged economic sabotage imagine us losing business today? Change their old jeeps that’s good for the environment. Ty.”

Kasabay nang pagkasa ng tigil pasada ng mga miyembro ng grupong Piston at kanilang mga kaalyadong grupo alas-7 ng umaga kahapon ay ang pagdating ni Tugade sa MMDA Metro Base Command Center para personal na i-monitor ang mga lansangan sa pamamagitan ng CCTV cameras.

Kasunod nito ay pinangunahan niya ang isang sandaling planning session kasama si MMDA Chairman Danilo Lim katuwang ang ilan sa kanilang mga opisyal. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?