54

Dec 10, 2017 @ 16:56
By

Tugade, Piston maghaharap sa Senado

Paghaharap-harapin ni Senator Grace Poe sa Senado ang Department of Transportation at ang transport groups na nagbabangayan dahil sa balak diumano na lipulin na ang mga pampasaherong jeepney sa lansangan.

Ito ay sa ipinatawag niyang pagdinig ng Senate committee on public services bukas, Lunes, Disyembre 11.

Ayon kay Poe, inaasahan niya na sisipot si Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagdinig dahil ito ang humiling ng ganitong petsa para sa pagdinig.

Nangako naming sisipot ang mga namumuno sa Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at iba pang transport organization.

“Hahayaan natin silang mag-usap. Maglahad sila ng mungkahi para wala nang mga transport strike,” ani Poe.

Pinasisipot din ni Poe ang mga opisyal ng mga kumpanya na nag alok na magsuplay ng panibagong klase ng pampasaherong jeepney.

Sabi ng senadora, totoong kailangan ng pagbabago sa sistema ng transportasyon at kailangang solusyonan ang mga lumang pampasaherong jeepney na delikado na sa mga pasahero pero dapat aniyang isaalang-aang ng gobyerno ang sitwasyon ng mga umaasa ngayon sa mga pampasaherong jeepney.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?