19

Oct 5, 2021 @ 15:43
By

Tugade nilinis pangalan sa PCIJ report

Pinabulaanan ni Transportation Secretary Art Tugade ang inilabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) kung saan nadamay ang kanyang pangalan sa mga indibidwal na may tinatagong offshore assets.

Tinaga si Tugade ng nasabing ulat dahil umano sa pagiging direktor niya ng Solart Holdings Limited, isang kompanyang nakabase sa British Virgin Islands.

Ayon sa ulat ng PCIJ at ng ilan pang media outlet, hindi nakadeklara ang Solart sa SALN ni Tugade.

Paglilinaw ng kalihim, totoong nag-invest ang kanyang pamilya sa Solart bago pa man siya pumasok sa public service.

Ngunit aniya, legal umano ito at nakasaad pa sa kanyang SALN.

“The same has consistently been disclosed in my SwornStatement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) under ‘Personal Properties – Intangible’, particularly, as ‘Offshore Investments’ from 2012 to 2020. In the said period, the account barely moved,” saad sa statement ni Tugade.

Pangako ng kalihim, matapat siya sa serbisyo at walang tinatago.

“As an appointed public servant, I have taken an oath to uphold transparency, honesty, integrity and good governance. These are cherished values that I personally believe in, and I have made it a lifelong commitment to sustain and carry around myself,” wika pa ni Tugade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?