95

Jan 3, 2018 @ 11:12

Tugade, Faeldon, Cam, Bato, Mocha, etc. binebeybi ni Duterte

Ilan sa mga dikit ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na kasalukuyang nakapuwesto sa gobyerno ang malalakas umano ang loob at kampanteng hindi masisibak kahit pa kaliwa’t kanang batikos na ang inaabot ng mga ito.

Nangunguna umano rito si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur ‘Art’ Tugade, na ayon sa pinamumunuan nitong tanggapan ay fake news ang ulat hinggil sa pagtirik ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Pero bukod sa MRTirik nitong Kapaskuhan, muling nawindang ang serbisyo ng MRT-3 nitong Enero 1, 2018.

Ayon kay Akbayan Representative Tomasito ‘Tom’ Villarin, tila hindi na importante kung mahusay man sa paglilingkod ang itinalaga ni PDu30.

Basta ‘loyal’ o tapat umano ay pupuwede na kahit hindi naman ‘impressive’ pagdating sa public service.

“It’s loyalty above everything, not even performance or merit,” komento ni Villarin.

Maliban kay Tugade, binatikos din ng kongresista ang iba pang alagad o alipores diumano ni PDu30 na mantsado ng iba’t ibang kontrobersiya na kinabibilangan nina dating Bureau of Customs (BOC) chief Nicanor Faeldon, na itinalaga bilang deputy administrator ng Office of Civil Defense (OCD); Sandra Cam, board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa; at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

“In this government nothing is sacred except their sacred cows… Tugade, Faeldon, Cam, Bato dela Rosa, Mocha, etc,” giit ng Akbayan solon. (Aries Cano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?