82

Tugade binakbakan sa serye ng aberya sa MRT

Muling kinalampag ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang Department of Transportation (DOTr) sa paulit-ulit na aberya sa MRT3.

Sabi ni Casilao, tatlong magkakasunod na insidenteng pinababa ang mga pasahero.

Dapat naman anyang kumilos na ang DOTr at huwag nang hintaying may mangyari pang seryosong aksidente.

Noong November 1, pinababa ang mga pasahero dahil sa technical problem at kahapon naman ay tatlong beses ring nagkaroon ng off-loading dahil sa pagpalya ng pintuan, preno at iba pa..

Giit ng kongresista, ang technical failures ay parte ng mas malaking problema sa operasyon at maintenance ng MRT.

Pero sa kabila nito, hindi pa rin anya kinakansela ng gobyerno ang kontrata Busan Universal Railway Inc. (BURI) para maibigay sa iba ang maintenance.

“The DoTR had already issued a notice of termination to BURI but how come it still handling the maintenance of MRT3? Mukhang ang kaya lang ni Sec. Tugade at ng gobyernong Duterte ay mga maliliit na jeepney drivers at operators, nagkukumahog mag-modernized ng jeepney pero itong sa kaso ng BURI, na madami ng sablay at malinaw na may kakulangan sa karanasan sa pangangalaga ng mga tren ay hindi nito kayang kanselahin ang kontrata. Ang lakas ng loob na magtulak ng modernisasyon sa jeepney pero hindi maayos-ayos ang bulok na serbisyo ng MRT”, paliwanag ni Casilao. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?