44

Sep 8, 2021 @ 14:25

Tuesday Vargas ‘nagprotesta’ sa It’s Showtime

Hinangaan ng mga netizen ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa naging guesting niya sa Madlang Pi-Poll portion ng It’s Showtime noong Martes.

Sa gitna ng portion, tinanong si Tuesday, kasama ang kapwa mga guest na sina Kitkat at Wilma Doesnt, kung pabor pa silang ibalik ang Metro Manila sa general community quarantine.

Hindi pabor dito si Tuesday. Aniya, papabor siya sa GCQ kung may konkretong plano, at hindi ura-urada o pabalik-balik sa mga quarantine classification.

“Gusto ko sana ng mas maganda at maayos na sistema, mas maganda at mas maayos na pamamalakad ng lahat ng pagbalangkas ng mga sistemang ito,” pahayag ni Tuesday.

“I-deserve naman nila ‘yung buwis na binabayad,” dugtong pa niya.

Sinundan pa niya ito ng isang tweet.

“Hindi po ito issue ng kanan o kaliwa, ng ka alyado ng pamahalaan o hindi. Tayo po ay nasa iisang pandemya, nasa iisang sitwasyon. Ang gusto nating lahat ay mas malinaw at konkretong plano para sa lahat. At kung kinakailangan sabihin, mauuna na po kaming nakikita nyo sa TV,” pahayag ng komedyante. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?