730

Jul 16, 2021 @ 11:00
By

Tubong lugaw! P20 barya binebenta ng P500

Inalerto ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko sa mga binebentang 20 peso coin na tinaguriang ‘brilliant uncirculated’.

Ayon sa BSP, hindi sila naglalabas ng naturang uri ng P20 na barya at pinag-iingat ang lahat sa pagbili nito.

Paliwanag ng ahensya, ang New Generation Currency (NCC) na baryang P20 ang maaaring gamitin ng publiko, na unang inilabas noong 2019.

“Ito ay legal tender at maaaring magamit na pambayad sa araw-araw,” lahad ng BSP.

Noong 2020 pa nauso ang bentahan ng ’20 Piso 2019 New Generation Currency (Brilliant Uncirculated)’, na ipino-post sa sikat na online selling platform.

Tinanggal na ito sa ilang online selling site, ngunit kung ise-search ang tungkol dito ay may ilan pa ring nagbebenta ng naturang barya, kung saan ang pinakamataas na presyo ay nasa P500.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?