27
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
Sep 21, 2019 @ 20:45
By

Tubino, Pacific Town nilunod ang BaliPure

Standings W L

Creamline 10 0

BanKo Perlas 6 3

Motolite 6 3

Pacific Town 6 4

PetroGazz 5 2

Air Force 4 5

Choco Mucho 3 6

BaliPure 2 9

Chef’s Classics 0 10

Mga laro Linggo/Setyembre 22:

(FilOil Flying V Center)

2:00pm — Air Force vs Banko

4:00pm — Chef’s Classic vs PetroGazz

Hindi na nagpaliguy-ligoy ang Pacific Town Army Lady Troopers matapos walisin sa tatlong set ang BaliPure Water Defenders, 25-17, 25-22, 25-18, Sabado ng gabi sa second game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Kinapitan ng Lady Troopers si Honey Rose Tubino matapos magtala ng 17 puntos upang hatawin ang two-game winning streak at ilista ang 6-4 record.

Maagang nagpakitang-gilas ni Tubino pinangunahan agad nito ang opensa ng Pacific Town Army para makuha ang panalo.

Halos hindi nakitaan ng sigla sa laro ang Water Defenders kaya madali silang naigupo ng Lady Troopers.

Kahit kulang sa armas ang Lady Troopers ay hindi pa rin nakaporma ang BaliPure kaya humaba ang kanilang losing streak sa anim.

Hindi nakalaro si Jovelyn Gonzaga sa Lady Troopers dahil kasama niya si head coach Kungfu Reyes sa National team sa Thailand para maglaro sa inaugural ASEAN Grand Prix sa Nakhon Ratchasima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?