25
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
Sep 13, 2019 @ 20:14
By

Tubino, Pacific Town igagapos ang Air Force

Hahatawin ni Royse Tubino at ng Pacific Town Army Lady Troopers ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers para sa kanilang huling laban sa first round ng eliminations sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre alas-4 Sabado ng hapon.

Winalis ng Lady Troopers (4-3) ang BaliPure Water Defenders nitong Miyerkoles, 25-17, 25-16, 27-25, sa pangunguna nina Tubino na umiskor ng 13 points at Lutgarda Malaluan na may 10 puntos.

“Makabalik lang ‘yung playing system namin, especially sa mga veteran namin kasi when they get their groove, sigurado na, lalaro na kami,” pahayag ni Pacific Town Army head coach Kungfu Reyes.

Sa kabilang banda, ginulantang naman ng Air Force (2-5) ang lahat nang mapataob ang Choco Mucho Flying Titans, 26-24, 14-25, 21-25, 25-22, 15-7, sa parehong araw.

Tatlong Lady Jet Spikers ang nanguna sa opensa kabilang sina Dell Palomata na nagtala ng 18 points, Angel Mae Antipuesto na may 16 markers at Jozza Cabalsa na umiskor ng 11 points.

“Hopefully, eto ‘yun kumpiyansa na hinahanap naming. Sana magtuloy-tuloy na,” sabi ni Air Force head coach Jasper Jimenez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?