38

Sep 18, 2019 @ 18:05
By

Tubino binalikat ang Pacific Town

Absent sa bakbakan sina Pacific Town Army head coach Kung Fu Reyes at star spiker Jovelyn Gonzaga? Walang problema.

‘Yan ang pinatunayan ni Army assistant coach Rico De Guzman at buong Lady Troopers nang walisin nila nang walang kahirap-hirap ang Chef’s Classic, 25-11, 25-23, 25-17, sa unang laro ng 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Nanguna sa paluan sina Royse Tubino at Jem Gutierrez nang tumapos sila nang tig-15 points upang salyahin ang winless pa ring Chef’s Classic (0-9) at iangat naman ang Pacific Town sa 5-4 marka.

“Ang ginawa kong adjustment lang is ‘yung pattern defense,” ani Rico.

“Ang problema na lang is kung paano mo i-momotivate ‘yung players, kung paano mo sila itataas. Nung nawala si Jovelyn, kailangan [mag-]step-up [ng] bawa’t isa. Hindi tayo pwedeng umasa [lang] kay Jovelyn,” sambit pa niya sa pagsalo ng trabaho bilang head coach.

Hindi naisalba ang Chef’s ni Nieza Viray matapos humataw ng 15 attacks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?