13

Tubig sa Marikina River, nasa 17.1 metro na ang taas

Sharing is caring!

Dahil sa bagyong Ompong na nagpaulan ng buong magdamag sa Marikina nitong Sabado, Setyembre 15, kasabay nito ang pag-akyat muli ng Ilog ng Marikina sa critical level.

Sa bagong report ganap na alas-1:08 ng hapon ngayong Sabado, abot na sa 17.1 metro ang taas ng tubig ng nasabing ilog.

Sa kabila ito ng hindi gaano katagal na pagbuhos ng ulan ngunit nakakaapekto rin ang mga pag-ulan sa mga karatig-bayan tulad ng Montalban, Rizal at Bulacan,

Dahil dito, inaabisuhan na ang mga residenteng malapit sa ilog na maghanda sakaling tumaas pa ang tubig para manatili muna sa mga evacuation center ng lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?