160
lamesa
May 10, 2018 @ 12:16
By

Tubig sa La Mesa Dam, umabot na sa critical level

Umakyat na sa critical level ang tubig sa La Mesa dam dahil sa bumaba na ito sa 72 metro

Sanhi nito, posibleng mawalan ng suplay ng tubig ang milyong customers ng Manila water lalo na ang mga nasa bahagi ng silangan ng Metro Manila na siyang sinusuplayan nito.

Paliwanag ng Manila Water, sa kasalukuyan ay mas mataas ang demand sa tubig kaysa sa alokasyong nakukuha bunsod ng mas mataas na temperatura, mas maraming mga kumokunsumo at mas maraming establisyimentong gumagamit ng tubig.

Ipinatupad na ang mas mahinang pressure ng tubig mula gabi hanggang madaling araw bunsod ng mababang lebel ng tubig sa dam.

Sakaling dumausdos pa ito sa 69 meters, maaaring magsara na ang East La Mesa Treatment Plant na makakaapekto sa suplay ng tubig sa lungsod ng Marikina at mga bayan ng San Mateo at Rodriguez sa Rizal.

May posibilidad din na maapektuhan ang mga customers ng Manila Water sa Pasig at Taguig.

Dahil dito, inaabisuhan ng Manila water ang publiko na magtipid ng husto sa tubig bago pa tuluyang mawala ang suplay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?