35

Feb 8, 2021 @ 14:18

Tubig sa isang barangay naging kulay dugo

Binaha ang mga kalsada ng isang barangay sa Pekalongan City, Indonesia ng tubig na kulay dugo.

Kumalat sa social media ang larawan at videos ng Barangay Jenggot sa Pekalongan City, Central Java matapos maging pula ang baha sa nasabing lugar.

Kinumpirma ni Pekalongan disaster relief head Dimas Arga Yudha, sa ulat ng CNN, na totoo ang mga kumakalat na larawan.

Aniya, ang kulay-pulang baha ay dahil sa batik dye ng isang kalapit na pabrika roon, na tinamaan ng baha.

Mawawala ito kapag humalo na ang dye sa mas marami pang tubig-ulan, dagdag ni Yudha.

Kilala ang Pekalongan City sa batik, isang Indonesian technique sa paggawa ng de-kolor na disenyo sa tela sa pamamagitan ng wax-resist dyeing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?