21

Apr 17, 2020 @ 15:38
By

Tubig ng Manila Water pinakamura sa Southeast Asia

Ayon sa Manila Water Company Inc., ang sineserbisyo nilang tubig ang pinakamura sa buong Timog-Silangang Asya.

Nilahad ito ng kompanya sa kanilang “Tunay na Serbisyo” video na nilabas sa Facebook ngayong Biyernes.

Sambit pa ng mga kawani, nahirapan silang magtrabaho noong nakaraang taon.

“Last year was really [a] difficult situation for us, emotionally, psychologically and physically,” wika ni Manila Water treatment operations head Lyn Zamora. “Sa aming mga customers, lagi lang ninyong isipin na lahat ng ginagawa namin ay para sa kanila.”

“Even sa bahay nagmo-monitor ako, gabi, natutulog na ‘yung misis ko, pero ako gising pa. Minsan nga, nagigising ko siya,” sambit naman ni Manila Water distribution operations head.

Matatandaang noong Nobyembre 2019, tinakot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Maynilad Water Services Inc. at ang Manila Water at pinagbantaang ipakukulong ang mga opisyal ng huli.

Dahil umano ito sa kuwestiyonableng water concessionaire contract na aniya’y pinagkakitaan nang husto ng mga kompanya sa matagal na panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?