76

By

Tubig ng Manila Bay sinuri ng DENR

Bilang paunang hakbang sa planong rehabilitasyon ng Manila Bay, nangkolekta na ng water samples ang Department of Environmental Natural Resources (DENR).

Nabatid na ang water samples ay kinolekta sa bahagi ng Manila Bay sa port area, Baseco compound sa Tondo, Maynila at sa SM Mall of Asia.

Base sa mga naunang testing sa tubig ng Manila Bay, ang average fecal coliform level ay 330 million most probable number (mpn) gayun ang dapat ay 100 mpn lang para ito ay mapagliguan.

Target ng DENR na maibaba sa 270 mpn ang coliform level sa Manila Bay sa huling buwan ng taon.

Una nang sinabi ni Enviroment Sec. Roy Cimatu na ang mga establismento ay kinakailangan na may sariling sewage treatment plants at kailangan din na maialis ang 40,000 pamilya na naninirahan sa paligid ng Manila Bay.

Iimbestigahan din kung ang mga barko na dumadaong sa Port Area sa Maynila ay nagtatapon ng kemikal sa dagat.

Tinataya na aabutin ng P47 bilyon ang gagastusin para sa rehabilitasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?