83

Oct 12, 2019 @ 17:01
By

Tubig na lang! Pag-inom ng soda, fruit juice nakakapagdulot pa rin ng diabetes

Ayon sa isang pag-aaral sa Amerika, umaambag pa rin sa tyansang magkaroon ng diabetes ang pag-inom ng mga sugary drink na akala ng mga tao ay healthy na inumin.

Inaral ng mga mananaliksik ang higit dalawang dekada ng datos mula sa 192,000 lalaki at babaeng empleyado sa nursing o healthcare. Walang may diabetes sa simula ng pag-aaral, ngunit halos 12,000 ang nagkaroon nang matapos ang study.

Nakatutok ang pag-aaral sa type 2 diabetes, ang pinakatalamak na tipo ng nasabing sakit at kaugnay ng obesity at pagtanda.

Natuklasan din ng mga mananaliksik na sina Jean-Philippe Drouin-Chartier, Yan Zheng, Yanping Li, Vasanti Malik, An Pan, Shilpa Bhupathiraju, Deirdre Tobias, JoAnn Manson, Walter Willett, at Frank Hu na 16% mas makaka-develop ng diabetes sa 4-taong period iyong mas umiinom ng mga sugary drink (half serving kada araw). 18% naman ang tyansang magka-diabetes iyong umiinom ng artificially-sweetened drinks (half serving kada araw).

Ibig sabihin, dagdag ni Drouin-Chartier sa ABS-CBN News, “natural man o artificial ang hinalong asukal, parehong negatibo ang epekto ng mga sugary drink.”

“Even though consumption of 100 percent fruit juices has been considered a healthy alternative to sugar-sweetened beverages because of the vitamins and minerals in fruit juices, they typically contain similar amounts of sugar and calories as sugar-sweetened beverages,” ani Drouin-Chartier, isang nutrition researcher sa Harvard T.H. Chan School of Public Health sa Boston.

Samantala, napatunayan nilang nababawasan nang nasa 2% hanggang 10% ang tyansang magkaroon ng diabetes kung papalitan ng tubig, kape, o tsaa ang mga iniinom na sugary drink.

Hindi sinaad sa pag-aaral kung may asukal ang pamalit na kape o tsaa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?