33

Sep 3, 2019 @ 20:17
By

Tubiera, BaliPure mandedekwat

Itutuloy nina Menchie Tubiera at ng BaliPure Water Defenders ang pananalasa sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kontra BanKo Perlas Spikers, Miyerkoles, alas-6 ng gabi, sa FilOil Flying V Centre.

Nasungkit ng BaliPure ang ikalawang panalo nang pabagsakin ang Chef’s Classics Lady Red Spikers 25-22, 20-25, 27-25, 25-22 nitong Sabado.

Bumida sa Water Defenders si open spiker Tubiera na may 18 points at 19 digs habang may 13 markers at 16 digs naman si Grace Bombita at Shirley Salamagos na nagtala ng 12 puntos.

Sa kabilang dako, winalis naman ng BanKo Perlas Spikers ang Choco Mucho Flying Titans Agosto 28 sa iskor na 25-18, 25-20, 25-23.

Pinamunuan ni Kathy Bersola ang opensa, 15 points, lima mula sa blocks, Dzi Gervacio na nagtala ng 13 markers, 13 digs at pitong receptions at team captain Nicole Tiamzon na umiskor ng 11 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?