90

Feb 4, 2020 @ 19:51
By

Tubid inayawan ng San Miguel

Walang offer na natanggap ang sharpshooting forward na si Ronald Tubid mula sa kampo ng San Miguel Beermen.

Ito’y matapos na mapaso ang kanyang kontrata na natapos noong Enero.

Napag-usapan ang kahihinatnan ni Tubid sa koponan matapos na hindi na ito masilayan sa practice ng SMB, ito’y matapos na masuspende ito dahil sa rambulan sa ensayo ng San Miguel noong nakaraang Governor’s Cup na kinasangkutan nina Arwind Santos, Kelly Nabong at import Dez Wells.

Sa nasabing mga manlalaro, si Santos lang ang nanatili sa Beermen na may two-year contract pa sa koponan, habang si Nabong ay pinalit sa NorthPort para kay Russel Escoto.

Si Tubid ay naging parte ng pitong championship team ng SMB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?