336

Dec 17, 2018 @ 18:03
By

Tubid in, Agovida out sa Beermen

Magbabalik tahanan sa San Miguel Beer si Ronald Tubid.

Ayon sa report ng spin.ph, kukunin muli ng SMB si Tubid habang ipamimigay nila si Keith Agovida sa Columbian Dyip.

Naipadala na umano ang trade papers sa PBA office para maaprubahan.

Matatandaang bahagi si Tubid ng kontrobersiyal na trade sa pagitan ng San Miguel at Columbian Dyip para sa No. 1 draft pick noong nakaraang taon kung saan nakuha ng SMB si Christian Standhardinger.

Maliban kay Tubid ay ipinamigay din ng Beermen sina Jay-R Reyes, Rashawn McCarthy at ang 2019 first round draft pick nila kapalit si Standhardinger.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?