70

Feb 13, 2020 @ 19:30

Tube pinatong lang sa ilong! ‘The Gift’ ng GMA pinagtawanan

Pinangaralan ng isang netizen ang ‘shungang’ production team ng GMA teleserye na “The Gift” matapos makita ang maling hospital procedure sa isang eksena.

Sa “Huling Martes” episode ng palabas, makikita ang nakapatong na nasogastric tube (NGT) sa ilong ng isang babaeng aktres.

Giit ng tawang-tawang netizen na si Nag-uyong Del Pilar (@Simply_Clinton), Pebrero 13, “Bwahahahahahahaha GMA talaga kahit kelan… bakit ang shushunga ng production team? Ang NGT isusuksok sa loob ng nostril papuntang bituka, hindi pinapatong lang sa ilong. Dios mio!”

“Nawala instantly pagkalungkot ko tuloy!!!” wika pa nito.


Hayag naman ng ibang netizen, isa ito sa mga rason kung bakit hindi dapat magsara ang rival TV network ng GMA na ABS-CBN, na mapapaso na ang prangkisa sa Marso 30, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?