15

Oct 20, 2020 @ 15:33
By

Tubbataha Reefs tampok sa UNESCO exhibit sa Paris

Isa sa main attraction sa ginaganap na United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) photo exhibition sa headquarters nito sa Paris, France ang Tubbataha Reefs Natural Park.

Nagsimula ang photo exhibition noong Oktubre 7 at magtatapos sa Oktubre 30.

May pamagat na “Protecting UNESCO’s Marine World Heritage through scientific research”, tampok doon ang mga larawan na kinunan taong 2016 ng Monaco Explorations sa UNESCO World Heritage marine sites kabilang ang Tubbataha Reefs ng Pilipinas.

Matatagpuan sa gitna ng Sulu Sea ang Tubbataha Reefs, na may mahigit 360 species ng corals at halos 700 species ng isda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?