10

Jul 21, 2021 @ 15:50
By

Tsuper, tsugi sa pagsadsad ng multicab sa bangin

Patay ang driver ng isang multicab habang sugatan ang 17 pang sakay nito matapos mahulog ang sasakyan sa isang bangin sa Malitbog, Southern Leyte nitong Martes.

Kinilala ang yumaong driver na si Alberto Payac.

Ayon sa awtoridad, binabaybay ng multicab ang Provincial Road sa Barangay Sangahon nang bigla na lamang huminto ang makina nito sa isang palusong na daan.

Dahil dito ay nawalan na ng kontrol si Payac sa sasakyan at dumiretso sa bangin.

Lahat ng sakay ng multicab ay isinugod sa pagamutan kung saan ‘di na umabot ng buhay si Payac.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?