27
tnt_guns
By

Tsuper, tinodas ng sekyu sa tindahan

Sharing is caring!

Todas ang isang 43-anyos na lalaking driver matapos pagbabarilin ng isang sekyu na matagal na umanong kaalitan ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO1 Jimmy Martesano, ng Caloocan City Police Homicide Unit, ganap umanong alas-11:30 ng gabi nangyari ang krimen sa tapat ng isang tindahan sa Block 126, Phase IV, Package I, Barangay 176, Bagong Silang.

Bumibili ng sigarilyo ang biktimang si Louie Consuelo, ng Phase IV, Package 5, Block 38, nang dumating ang suspek na si Michael Magno, 34, na armado ng hindi pa nalalamang kalibre ng baril at nilapitan ang nakatalikod na biktima at binaril sa leeg at katawan nito.

Nagtungo ang kapatid ng biktima na si Ferdinand Consuelo, 34, sa tindahan at nakita niyang tumatakbo ang suspek bago pa malamang nakabulagta na pala ang kanyang kuya.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang drayber.

Ayon sa kapatid ng biktima, dati nang mainit ang dugo sa isa’t isa nina Louie at Magno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }