Viral ngayon ang kwento ni Twitter netizen @im_vjhaaayyy tungkol sa kakaibang promo sa pamasahe ng isang tsuper sa Malolos, Bulacan.
Akala daw niya nung una, biro lang ‘yung nakasaad sa sign board. Pero biglang sumigaw ang driver:
“Magandang hapon po, may promo po tayo kapag po senior, PWD, biyuda, buntis, single mom, iniwan ng boyfriend o may birthday, libre na po,” saad ng netizen.
Binabalik daw talaga ni manong drayber ang bayad kapag kasama sa nabanggit, at hindi tinatanggap ang bayad kahit pa ipilit ng pasahero.
Minsan nga, ang tsuper pa ang nagbibigay ng baon kapag estudyanteng walang baon.
Ngayong 2:35 ng hapon, umani ang unang tweet sa thread ng 3.4K retweets at 8.1K likes.
Natuwa naman ang netizens kay manong drayber.
May isang netizen na nagbahagi ng kakaiba ring fare matrix ng isang tsuper na biyaheng pa-Malolos Bayan.
I JUST WANT TO SHARE THIS.
Kanina nung sumakay ako sa rob papuntang malolos may nasakyan akong karatig na may nakalagay na sign board *yung nasa photo*. Akala ko nung una biro lang ni kuya yung sign board. Nung umandar na yung jeep, isa isa nang nagbayad yung mga pasahero. pic.twitter.com/muwoMXzyP5
— ? (@im_vjhaaayyy) August 10, 2019
he deserve all the love :(( i wish hes my dad lol
— biancerz (@yoobiancaaaaake) August 11, 2019
FEEL KO NASAKYAN KO NA TO YUNG MUKHA NG DRIVER PAMILYAR HAHAHA IBA TALAGA MGA TAGA BULACAN SALUTE TO YOU TATAY!! YOU DESERVE THE LOVE ❤️❤️❤️??? #kmjs
— woodz (@chanbaekingina) August 11, 2019
SHARE KO NA REN TO, BYAHENG PA MALOLOS BAYAN HAHAHA pic.twitter.com/YS0Y38uclB
— L’OUIJA’ ✖️ (@lowejeeeee) August 11, 2019