205

By

Tsuper ng jeep, huli sa pekeng lisensiya

Sharing is caring!

Termino ng tatlong pangulo ng bansa ang validity ng isang driver’s license na nadiskubre mula sa isang jeepney driver.

Labis na ikinagulat ng mga operatiba ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) at Task Force Kamao nang madiskubre nila na sa Disyembre 2022 ang expiration ng lisensiya ng hindi na kinilalang driver.

Pinara ang driver sa Sucat Road sa Parañaque City kaninang umaga sa pagpapatupad ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ng I-ACT.

Inamin ng driver na noon pang 2009 nag-expire ang kanyang legal na lisensiya at nagpaareglo siya para sa isang pekeng lisensiya.

Bunga nito, na-impound ang minamanehong jeep ng driver at mahaharap din siya sa patong-patong na kaso.

Ilan pang mga jeepney at van ang hinuli, gayundin ang ilang motorsiklo dahil sa iba’t ibang paglabag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?