26

Nov 17, 2021 @ 20:59
By

Tsuper na ama, nanay na tindera inspirasyon ni Ping

Nagsisilbing inspirasyon ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang kanyang mga magulang para maglingkod nang tapat at maayos sa bayan.

Saad ni Lacson sa pagharap sa mga kababayan niya sa Imus, Cavite, isang tindera ng tela sa palengke ang kanyang ina habang jeepney driver ang kanyang ama.

Aniya, bako-bako at maalikabok noon ang kanilang kalsada sa Imus kaya naisip niya kung bakit ito nangyayari.

Nalaman niya nang siya’y maging mambabatas na nababarahan ang pambansang budget sa itaas kaya naman naging pangunahing adbokasiya niya na pakinabangan ito ng mga kababayan sa malalayong lugar.

“Naging pangunahing advocacy ko na ibaba at pakinabangan ng mga kababayan natin sa malalayong lugar hindi lamang dito sa Imus, lalo na dun sa mga fifth, sixth class municipalities na tila ba wala nang kapaga-pag-asang umangat ‘yung kanilang mga constituent, mga kababayan dahil nga nakabara ‘yung budget,” wika ni Lacson sa video sa kanyang Facebook account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?