masaganang-pathank-you

Tsuper, kusinero wagi ng house and lot sa ABS-CBN

Sharing is caring!

Sina Mario Miranda Jr., isang tsuper, at Bryan Duque, isang kusinero, ang masuwerteng nanalo ng house and lot mula sa Masaganang Pa-Thank You promo ng ABS-CBN TVplus.

Isang jeepney driver si Miranda, na may dalawang anak at nakatira sa Talavera, Nueva Ecija.

Malapit siya sa kanyang pamilya at lubos silang nagpapasalamat sa ABS-CBN TVplus dahil mas nae-enjoy nila ang panonood nila ng TV. Ayon sa kanila, hindi kumpleto ang bonding ng pamilya kung walang pancit, softdrinks, at panonood ng mga paborito nilang shows gamit ang TVplus.

Isa namang kusinero si Duque at may dalawang anak. Blessing na maituturing ang kanyang pagkapanalo dahil tatlong beses silang naglipat-bahay sa loob ng dalawang taon matapos masunugan ng dalawang pagkakataon. Tumira sila sa isang barangay-covered court matapos ang pangalawang sunog. Hindi rin nagtagal ay lumipat muli sila dahil ang inuupahang mga kuwarto ay tinubos na ng may-ari.

Nahirapang mag-adjust ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak, sa kanilang madalas na paglipat ng tahanan. Ngunit ngayon ay mayroon na silang bahay na mauuwian at matatawag na kanilang tahanan.

Maaari pang manalo ng house and lot sa final draw sa May 28, kaya mayroon pang pagkakataong manalo ng house and lot mula sa Lumina Homes, o kaya ay MyPhone myA8 DTV smartphone, o P4,000 gift certificates mula sa Octagon o Boardwalk.

Sumali sa pag-text ng JOIN(space)//

sa 2366. Ito ay open to all networks.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?