14

Oct 15, 2021 @ 23:42
By

Tsukii No. 2 sa karate rankings

Pumangalawa si Junna Tsukii sa 2020-21 Karate1 Premier League annual ranking at kasalukuyang No. 5 sa World Karate Federation.

Nagtala ang Fil-Japanese ng ng 2,760 points sa female kumite -50kg category sa pagbuntot kay Serap Ozcelik Arapoglu ng Turkey na may 9,817.5 pts. sa K1PL.

May 4,672.5 markers naman ang 30-anyos na dalagang tubong Pasay City sa WKF.

Mula ang mga puntos ni Tsukii sa mga sinungkit na gold medal sa mga torneong ginanap sa Lisbon, Portugal at Cairo, Egypt.

“The annual ranking from 2020 to 2021 is the second in the world. This is not a satisfying result for me. I will do my best to be more stronger” litanya ng Philippine 2019 Southeast Asian Games gold medalist via Facebook Huwebes.

Inaasahang sasabak uli national karateka sa 2021 WKF Karate World Championship sa Dubai, UAE sa Nobyembre 16-21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?