402

Aug 14, 2018 @ 20:43
By

Tsong Joey nagtapat, ‘di pabor sa pagpapakasal ng anak na si Winwyn kay Mark

FIRST time para kay Joey Marquez na makasama ang anak na si Winwyn Marquez sa isang pelikula, ang “UnliLife” na si Vhong Navarro ang leading man ng anak.

Mas lalong tumindi ang excitement ni Joey para sa anak dahil first project ito ni Winwyn na maging leading lady sa pelikula. Parang nanunumbalik daw ang excitement na nadama ni Joey nang unang sumali si Win sa isang national beauty contest.

Tutol noon si Joey sa nais na gawin ni Win pero nanaig ang kagustuhan ng dalaga kaya join ito sa beauty pageant at naging international beauty titlist nga ang anak.

Ang tanong ngayon ng mamamayan, maging super excited din kaya si Joey sakaling sabihan siya ng anak na magpapakasal na sa boypren na si Mark Herras?

Sagot naman ni Tsong Joey, wala anya siyang pagtutol kay Mark para sa anak, ang hindi lang daw siya pabor ay ang pagpapakasal nila nang maaga.

As in marami pa raw opportunity na naghihintay sa kanilang dalawa at pagkakataon na maging financially stable muna bago pakasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?