72

Oct 24, 2017 @ 16:57

Tsismis lang yan! Panelo, hindi interesado sa Comelec post

Tinawag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na “tsismis” ang ulat na siya ang susunod na magiging Chairman ng Comission on Elections kapalit nang nagbitiw na si dating Chairman Andres Bautista.

Sinabi kahapon ni Secretary Panelo sa maiksing interview sa telepono na hindi siya interesado sa binakanteng puwesto ni Bautista.

“Tsismis lang yan, matagal ng sinasabi yang gusto ko daw maging Chairman ng Comelec. Hindi ako interesado sa posisyon,” ang pahayag ni Panelo.

Tumanggi namang magkomento ni Presidential Spokesman Ernnesto Abella sa ulat na target umano ni Panelo ang bakanteng puwesto sa Comelec.

Sinabi ni Abella na wala pa siyang nakikitang shorlist o mga pangalang maaaring pagpilian ni Pangulong Rodriigo duterte para ipalit kay Bautista.

Napaaga ang pag-alis sa Comelec ni Bautista makaraang tanggapin ng Pangulo ang resignation nito ng hindi na kailangan pang tapusin ang hanggang December 31, 2017. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?