83
dead-body
By

Tsinay tumalon sa 10th floor ng sanctuarium

Sharing is caring!

Halos magkalasog-lasog ang katawan ng isang dalagitang Filipino-Chinese na sinasabing tumalon mula sa ika-sampung palapag na gusali ng Sanctuarium Funeral sa Quezon City.

Kinilala ng Criminal and Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District ang biktimang itinago sa pangalang Weng, 15 taong gulang, Filipino-Chinese national na nag-aaral sa isang hindi tinukoy na pribadong eskwelahan sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong alas-12 ng tanghali (October 16) nang tumalon ang biktima mula sa ika-10 palapag na gusali ng Sanctuarium Funeral na matatagpuan sa No. 739 G. Araneta Avenue corner Agno Ext. Brg. Tatalon ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga security guard ng gusali, nagulat na lamang sila nang makarinig ng malakas na kalabog sa sementadong gutter ng sanctuarium at nang kanilang usisain ay bumungad sa kanila ang lasug-lasog at duguang nangingisay pa ang biktima.

Agad tumawag ng SOCO team sa QCPD ang mga guwardiya para imbestigahan ang insidente.

Makalipas ang mahigit sa isang oras ay dalawang kamag-anak ng biktima ang dumating na siyang positibong kumilala sa bangkay.

Sinasabing matinding depresyon sa buhay ang dahilan ng ginawang pagpapakamatay ng dalagita sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-10 palapag na gusali.

Nakiusap naman sa mga mamamahayag ang pamilya ng biktima na kung maaari ay huwag nang banggitin pa ang pangalan nang dalagitang anak nila na nagpatiwakal.

Gayunman,tumangging magbigay ng anumang detalye ang pamilya kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalagita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?