40

Sep 11, 2021 @ 15:29
By

Tsikot bumaliktad, 2 todas

Dalawa katao ang patay nang bumalentong ang kanilang sinasakyang kotse sa Barangay Pasong Kawayan 1 sa General Trias City, Cavite noong Biyernes.

Kinilala ang mga biktima na sina Jay Madlangbayan at Aiza de Guzman.

Ayon sa ulat, minamaneho ni Madlangbayan ang kanyang sedan habang pasahero niya si de Guzman.

Dakong alas-11:20 p.m. ng gabi raw ng aksidenteng mabangga ng kotse ang isang road barrier.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver sa kotse hanggang sa bumaliktad na ito at humampas sa isang poste.

Tinangka pa silang dalhin sa pagamutan ngunit ‘di na umabot nang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?