38

By

Tserman sa Tanay, tiklo sa armas, droga

Sharing is caring!

Arestado ang isang kapitan ng barangay sa pagdadala ng matataas na kalibre ng baril at droga matapos ang isinagawang search and warrant ng pinagsanib na puwersa ng Rizal PNP Provincial Intelligence Branch, Provincial Drug Enforcement Unit kahapon ng umaga sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Acting Provincial Director PS/Supt. Lou Frias Evangelista, nakilala ang suspek na si Angelito Pranada y San Jose alyas Bulilit, 54-anyos, may-asawa, brgy. captain ng Daraitan, Tanay at residente ng Virallio St., Barangay Daraitan.

Ikinasa ang joint operation para sa search warrant laban sa kilalang high value target na nasa No. 7 provincial level ng Philippine Drug Enforcement Authority bandang alas-siyete Lunes ng umaga sa bahay ng suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang nasa P1 milyon, isang hand grenade, dalawang 12 gauge shotgun ammunitions, isang kalibre. 45 magazine na may bala.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Rizal detention cell at inihahanda ang mga kasong paglabag sa illegal drugs at illegal possession of firearms and ammunitions laban sa kanya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?