36

Sep 16, 2020 @ 18:44
By

Tserman niratrat sa loob ng barangay hall

Pinaghahanap na ang gunman na responsable sa pagpatay sa isang chairman ng Barangay Calibuyo sa Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat, pinagbabaril sa loob ng barangay outpost Miyerkoles umaga si Angelito Centeno, 60.

Nadala pa ang biktima sa Divine Grace Hospital pero binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa kamay at dalawa sa likod na tumagos sa tiyan.

Sa imbestigasyon, kararating lang ng biktima sa outpost nang biglang pagbabarilin ng gunman, na tumakas sakay ng nakaabang na motorsiklo at rider.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?