14
views

By

TseKap project ng DOH, pinaiimbestigahan sa Kamara

Sharing is caring!

Hiniling ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na siyasatin ng House committee on good government and public accountability ang school-based Barangay Health Station (BHS) o TseKap project ng Department of Health (DOH) na nagkakahalaga ng P8.1 bilyon.

Sa inihaing House Resolution 1978, nakasaad na noong September 2015 sa ilalim ng dating administrasyong Aquino na-bid ang proyekto at napunta sa J Bros Constructions kahit walang budget allocation.

Sinabi ni Zarate na ang kontrata para sa first phase ng proyekto na nagkakahalaga ng P4.5 bilyon ay pinirmahan nina noo’y Health Secretary Janette Garin at Atty. Juliane Jorge ng J Bros Construction noong Enero 26, 2016.

Noong Marso 2018, nagsumite umano ng termination of contract ang kontratista at sinisingil ang gobyerno ng P2.1 bilyon para sa itinayong 429 BHS.

Pero ayon sa DOH, 270 lamang ang naitayong BHS kung saan walong ang may kumpletong dokumento.

Lumabas din sa COA report na delay at hindi naman natapos ang nasabing proyekto ng DOH kaya natengga ang biniling TseKap packages.

“The non-completion of BHS in public schools adversely affected the procurement and distribution of 5,000 TseKap packages amounting to P175 million intended for the said BHS,” ayon sa COA.

Gusto ring malaman ng kongresista kung bakit natagalan ang DOH sa pagdiskubre sa anomalya na aniya’y mala-Dengvaxia scandal at kung bakit hindi ito nakuwestyon sa panahon ni dating Health Secretary Paulyn Ubial.

“The irregularities showed the utter lack of concern and grave neglect of government officials for the health and welfare of the people especially the poor,” ani Zarate. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?