28

By

Tsansa ng UST sa semis, tinapos ng UP

Sharing is caring!

Pormal nang winakasan ng University of the Philippines ang pag-asa ng University of Santo Tomas sa final four.

Itinakas ng Fighting Maroons ang 83-69 win kontra sa Growling Tigers, na na-miss ang serbisyo ni rookie CJ Cansino na bumagsak sa sahig gawa ng knee injury.

Taas ang UP sa 7-6 kartada, at may pag-asa pang pumasok sa semifinals na kung sakali ay tatapusin ang lampas dalawang dekadang pagkauhaw sa top 4 clash.

“The best thing that this win has done for us is to place us in a position to fight for that slot. We need that one win on Wednesday,” saad ni UP head coach Bo Perasol.

Nanguna muli ang dating NCAA star na si Bright Akhuetie, humagibis ng 25 puntos at 18 rebounds, samantalang nakatuwang niya ang graduating player na si Paul Desiderio na tumapos ng 19 puntos.

Ngunit nagkaroon ng kaba sa loob ng Araneta Coliseum ng ma-stretcher palabas ng court si Cansino, na naiyak sa sakit habang tangan ang kaliwang tuhod.

Nakabalik naman ito sa bleacher para manood ng laban, ngunit nakapulupot ng tape ang napuruhang tuhod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?