11

Sep 10, 2020 @ 13:46
By

Tsansa ng La Niña sa PH ngayong taon 70% na

Tinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang La Niña Watch patungong La Niña Alert.

Ibig sabihin, umakyat ang posibilidad na magkaroon ng La Niña patungong 70 porsiyento. Ang La Niña ay ang hindi pangkaraniwang tagal ng panahon ng tag-ulan.

“While neutral condition where neither La Niña nor El Niño is prevailing at present, most climate models suggest the chance of La Niña forming in 2020 is about 70 percent,” ayon sa Pagasa.

Unang naglabas ng La Niña Watch ang weather bureau noong Hulyo, kung saan sinabi nilang ang tsansa ng pagkakaroon ng La Niña sa susunod na 6 buwan ay nasa 55 porsiyento.

Sa naunang panayam, sinabi ni Pagasa climate monitoring and prediction section chief Ana Liza Solis ang mas mataas kaysa average na bilang ng tropical cyclone na pumasok o nabuo sa Philippine area of responsibility at ang mga non-landfalling cyclone noong Agosto ay pambungad sa nadedebelop na La Niña.

Aniya, posibleng magkaroon ito ng epekto sa pag-ulan sa Luzon sa Diyembre, at sa Mindanao mula Enero hanggang Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?