33

Dec 29, 2020 @ 9:40
By

Truth will prevail! Mga kongresista tinanggi na kurakot sila

Pinabulaanan ng walo sa siyam na mambabatas na binanggit kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyong sangkot sila sa katiwalian.

Sa isang pre-recorded speech, binasa ni Duterte ang pangalan ng mga kongresista na kabilang sa listahan na isinumite ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na diumano’y sangkot sa korapsyon.

Punto ng Pangulo, ang pagkakabilang sa listahan ay hindi nangangahulugan na may matibay na ebidensya laban sa mga ito.

Sabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, malinis aniya ang kanyang konsensya at natitiyak aniya niyang malilinis ang kanyang pangalan.

“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling inpormasyon ng mga nakakalaban natin sa Pulitika,” dagdag niya.

Ganito rin ang paniniwala ni Northern Samar Rep. Paul Daza: “It stemmed from, what I believe, a malicious complaint filed before the PACC by my local political opponents.”

“Baseless” at malicious” aniya ang pagkakabilang niya sa ulat na inabot kay Duterte.

Sabi naman ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato, kilalang kaalyado at partymate umano si PACC Commissioner Greco Belgica ng kanyang makakalaban sa 2022 local elections kaya ang ulat ay “clearly calculated to sow intrigues and disruption in the local politics of Occidental Mindoro.”

“I am devastated! This has no basis and [is] grossly unfair! I do not have any involvement in any corruption!” giit pa ni Ramirez-Sato.

Wika naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman, “Public service has never been a money-making venture for me or my family whose good name is highly esteemed in our District.”

“My conscience is clear,” sambit pa ni Roman, na siyang giit din ni Quezon Rep. Angelina Helen Tan.

“The inclusion of my name in the report released by the PACC, despite the lack of evidence, is not only malicious but also prejudicial, especially that the issue involves alleged corruption and conspiracy with DPWH,” ayon pa sa Quezon solon.

Suportado naman ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal ang gagawing pagsisiyasat hinggil sa isyu para malinis ang kanyang ngalan.

“It saddens me that my name was included in the report, but I welcome and support the conduct of any investigation on the matter to clear my name, as I fully support the President’s anti-graft campaign,” ayon pa kay Oaminal.

Samantala, naniniwala naman si Isabela Rep. Alyssa Sheena Tan na “the truth will prevail.”

“There is absolutely no truth in the allegation by the PACC that I own construction companies that have been awarded with projects in my district,” punto niya pa at sinabi sa kanyang mga nasasakupan na “kung gaano ko po pinaghirapan ang tiwala ninyo ay ganoon ko rin pong kasigasig na pag-iingatan ito.”

Tweet naman ni dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat, “Kung tumatanggap ako ng kickback noong Congressman ako, di na sana ako naghihirap tumulong magbenta ng pinunnog, honey at kape ng mga Cordilleran producers.”

Nagbiro rin siya na ang sipa lang ng kanyang alagang aso na si Vader ang “kickback” na tinanggap niya, at pinunto na ang “high-level corruption” na kailangang imbestigahan ay ang pag-smuggle ng Sinopharm COVID-19 vaccine na ginamit pangbakuna sa mga tauhan ng PSG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?