33

By

Trust rating ni VP Leni, bumaba ng 13 puntos – SWS

Sharing is caring!

Mula sa ‘very good’ ay bumaba sa ‘good’ ang trust rating ni Vice President Leni Robredo, base sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang tatlong buwan ng taon.

Sa resulta ng March 23-27 survey sa 1,200 respondents, 58 porsiyento ang nagsabi na pinagkakatiwalaan nila si Robredo, ngunit 18 porsiyento naman ang iba ang paniniwala.

Bunga nito, nagkaroon ng +39 net trust rating ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, bumaba ng 13 puntos mula sa naitalang +52 noong huling bahagi ng 2017.

Base sa obserbasyon ng SWS, naglalaro lang sa ‘very good’ at ‘good’ ang trust rating kay Robredo simula nang maupo ito sa puwesto noong 2016.

Nanatili ang ‘very good’ rating ni Robredo sa Visayas, samantalang bumaba naman sa ‘good’ sa Luzon at Mindanao habang ‘moderately good’ sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?