ABANTE trust ratings duterte rodrigo

Trust rating ni Duterte nakabawi, tumaas sa 75% points- SWS

Sharing is caring!

Nakabawi si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbaba ng kanyang trust rating sa third quarter kung saan nakapagtala naman siya sa fourth quarter ng 2017 ng “excellent” +75 percentage points.

Batay sa Social Weather Stations na isinagawa noong Disyembre December 8 hanggang 16, 83 percent ng mga respondents ang nagsabing nagtitiwala sila kay Duterte at pitong porsiyento naman ang nagsabing hindi sila nagtitiwala sa Punong Ehekutibo.

Sabi ng SWS, ang net trust rating ng Pangulo ay kinukonsiderang “excellent.”

Ang +75 rating ni Duterte ay mas mataas ng 16 points mula sa +60 net trust na nakuha nito noong September 2017 survey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?