76

By

Trump, winakwak ni ex-FBI chief Comey sa interview

Sharing is caring!

Tinawag ng sinibak na direktor ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na si James Comey si US President Donald Trump na “morally unfit to be president”.

Sinabi ito ni Comey sa kauna-unahan nitong interview sa telebisyon matapos na sibakin ni Trump sa FBI noong nakaraang taon.

Sa kanyang interview sa programang 20/20 ng ABC News, inilarawan din nito ang pag-trato ni Trump sa mga kababaihan bilang “pieces of meat”.

Inakusahan din nito ang US President ng madalas na pagsisinungaling at posibleng pagkakasangkot sa obstruction of justice.

Bigo din aniya si Trump bilang pangulo ng bansa na maging halimbawa ng paggalang at pagsasabi ng katotohanan.

Matapos ma-ere ang interview, rumesbak ang Republican National Committee, ang partido ni Trump na nagpalabas ng pahayag na nagsasabing ipinapakita lamang ng publicity tour ni Comey para sa kanyang bagong libro na wala itong pinaglalanaan ng katapatan maliban sa kanyang sarili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?