114

Apr 20, 2020 @ 11:15
By

Trump tumawag kay Duterte ukol sa COVID response

Tinawagan ni United States President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte at nag-usap patungkol sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 response.

Sinabi ni Senador Bong Go na naganap ang pag-uusap ang dalawang lider pasado alas diyes Linggo ng gabi.

Gayonman, walang binigay na detalye ang senador kung ano ang napag-usapan nina Pangulong Duterte at Trump.

Ayon kay Go, tumagal ng 18 minuto ang pag-uusap sa telepono nina Pangulong Duterte at Trump.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Asya, habang ang Amerika ang may pinakamataas na kaso ng mga tinamaan ng COVID -19 sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?