48
donald-trump
Jun 1, 2019 @ 19:14
By

Trump tatakbo ulit sa pagka-Pangulo

Inihayag ni US President Donald Trump na pormal niyang iaanunsiyo ang kanyang reelection bid sa June 18 rally sa Florida.

Kasama niya umano sa gaganaping evening event sa Amway Center Arena sa Orlando ang misis na si Melania, at ang mag-asawang Vice President Mike Pence at Karen.

“I will be announcing my Second Term Presidential Run… on June 18th in Orlando. Join us for this Historic Rally!” tweet ni Trump.

Magaganap ang eleksyon sa US sa November 3, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?