18
ABANTE TNT trump smart self book
By

Trump: I am a ‘very stable genius’ and ‘like, very smart’

Sharing is caring!

Pinuri ni US President Donald Trump ang kanyang sarili bilang napakatalinong taon kasunod ng lumabas na libro na tumatalakay sa kakaibang takbo ng kanyang pag-iisip.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Trump na may dalawa siyang katangian sa kanyang buhay, ito ay ang pagiging genius at pagiging smart nito.

“….Actually, throughout my life, my two greatest assets have been mental stability and being, like, really smart. Crooked Hillary Clinton also played these cards very hard and, as everyone knows, went down in flames. I went from VERY successful businessman, to top T.V. Star,” sabi ni Trump.

“….to President of the United States (on my first try). I think that would qualify as not smart, but genius….and a very stable genius at that!” dagdag pa nito.

Ginawa ni Trump ang pahayag ilang araw matapos lumabas ang isang aklat na gawa ni Michael Wolff na pinamagatang “Fire and Fury: Inside the Trump White House”.

Agad na sold-out ang librong ito sa Washington. Tinawag naman ni Trump “phony” at “full of lies” ang nasabing libro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?