32
ABANTE trump shithole racist not
Jan 15, 2018 @ 17:39

Trump sa ‘shithole’ remark: ‘I’m not a racist’

Itinanggi nitong Linggo ni US President Donald Trump na ‘racist’ siya o may diskriminasyon siya sa ibang lahi matapos ang naging komento nito sa African countries.

“I’m not a racist. I am the least racist person you have ever interviewed,” ani Trump sa AFP News sa Trump International Golf Club sa West Palm Beach, Florida, habang nakikipag-dinner kay Republican House Majority Leader Kevin McCarthy.

Nagpahiwatig ng pagsuko si Trump hinggil sa immigrant law na gusto niyang ipabasura matapos itong kondenahin dahil sa komentong mula sa ‘shithole countries’ ang African at Haitian immigrants.

“DACA is probably dead because the Democrats don’t really want it,” tweet ni Trump, na tinutukoy ang Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA) program.

Hindi naman humingi ng paumanhin si Trump sa kanyang mga tinuran at sinabing gusto lamang niyang ang mga tao na nagtutungo sa kanyang nasasakupan ay makakatulong sa kanilang bansa at iginiit ang “America First” policy.

“I, as President, want people coming into our Country who are going to help us become strong and great again, people coming in through a system based on MERIT. No more Lotteries! #AMERICA FIRST,” tweet ni Trump noong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?